Huwebes, Disyembre 11, 2008

Dec 8

Napakabagot ng araw na ito sapagkat masyadong maulan. Kahit umpisa ng linggo parang ayaw kong pumasok sapagkat masarap matulog sa bahay, pero saying ng araw. Tinaalakay ng nagpakitang guro ang tungkol sa pagpapamalas ng katalinuhan ni Rizal sa Ateneo. Si Rizal ay nag-aral sa Ateneo na masyadong bata pa pero kahit ganoon nakayanan parin niya sapagkat sadyang matalino ito. Nakipagsabayan siya sa kanyang mga kamag-aral at sa unag taon nagkamit na siya ng mga parangal sa loob ng paaralan. Nakapagsulat narin siya ng isang magandang tula na ang pamagat “MI PRIMERA INSPIRASYON” na kung saan siya ay labing-apat na taong gulang pa lamang. Sadyang magaling na estudyante si Rizal sa Ateneo.

0 Mga Komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home