Huwebes, Disyembre 11, 2008

Dec 10

Ngayong araw tinaalkay ay ang tungkol sa ang pasyang mag-aaral sa Sto.Tomas.Si Rizal ay kumuha ng kursong Filosopiya Y Letra at agahm sa pagsasaka. Dahil sa sobrang galling ni Rizal na gumawa ng mga tula na sadyang nagpahanga sa mga horadong mga espanyol, kaya tumanggap siya ng mga parangal. Nakapagsulat siya ng mga tula sa edad ng labing-walo. Sinulat niya ang “A La Juventud Filipina” na nagkamit ng parangal na sadyang nagbigay kay Rizal ng katanyagan. Sa Sto Tomas rin ay kumuha siya ng kursong pagmemedesina upang matulungan niya ang kanyang mabuting ina sapagkat ito ay may sakit sa mata, gusto niya itong gamutin upang makakita ang kanyang ina.Sa pag-aaral sa paaralng ito nagkamit siya ng matataas na mga marka na sadyang hahanga tayo.

Dec 8

Napakabagot ng araw na ito sapagkat masyadong maulan. Kahit umpisa ng linggo parang ayaw kong pumasok sapagkat masarap matulog sa bahay, pero saying ng araw. Tinaalakay ng nagpakitang guro ang tungkol sa pagpapamalas ng katalinuhan ni Rizal sa Ateneo. Si Rizal ay nag-aral sa Ateneo na masyadong bata pa pero kahit ganoon nakayanan parin niya sapagkat sadyang matalino ito. Nakipagsabayan siya sa kanyang mga kamag-aral at sa unag taon nagkamit na siya ng mga parangal sa loob ng paaralan. Nakapagsulat narin siya ng isang magandang tula na ang pamagat “MI PRIMERA INSPIRASYON” na kung saan siya ay labing-apat na taong gulang pa lamang. Sadyang magaling na estudyante si Rizal sa Ateneo.

DEC 5

Ngayong araw tinalaaky ng nag pakitang guro ang tungkol sa pag-aaral at pag lalakbay n gating pambansang bayaning si Rizal. Kanilang tinalakay mg aunang guro ni Rizal sa Laguna. Alam natin na ang unang nagging guro ni Rizal ay ang kanyang dakilang inang si Teodora. Ang mga guro ni Rizzal ay sadyng nakatulong sa kanya para mas lalo pa niyang kaya niya ang pag-aaral. Sila ang nagging inspirasyon ni Rizal upang pagbutihan pa ang kanyang mga nais sa buhay. Tinalakay din nila ang mga kaalamanng natamo niya sa Binian na sadyang nakatulong sa kanya. Karagdaagn pa tinalakay din nila ang talento sa pagpinta ni Rizal at dahil doon nakilala siya dahil sa angking talento. Ibinigay rin nila ang mga naramdaman ng ating bayani sa unang beses niya makapunta sa Maynila.



Reaksyon:

Marami akong natutunan sa talakayan ngayon sapagkat nalaman ko na sadayng masipag at pursigido ang ating bayani sa kanyang ginagawa na sadyang na katulong sa paghubog ng kanyang sarili. Sadyang magandang tularan ang mga ginawa ni Rizal. Kailangan din nating magpursige sa buhay upang tayo baling araw ay makilala rin di lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo walang imposible kung tayo ay gagalaw.

Ngayong araw nagkaroon lamang ng pagsusulit tungkol sa mga nakaraang talakayan. Ayos naman yung resulta ng aming pagsusulit. Pero bago mag-uwian ibinigay n gaming guro yung mga kailangan niya sa aming “prelim grade”.

Huling araw na naman ng linggo. Naging abala rin kami sa araw na ito sapagkat ito ang araw na kung saan gaganapin ang awarding ng mga nanalo sa mga palatuntunan na aming ginawa. Ngunit bago ang oras ng pag-aanunsyo ng mga nanalo. Tinalakay ng mga nagpakitang guro na sina Ginoong. Moran at Miranda ito ay tungkol sa Kabataan ni Rizal. Napaloob doon yung kanyang kapanganakan ,ang kanyang inang mapagaruga, ang mga salaysay hingil sa Ilawan at sa kalikasan, at kung paano ang ating pambansang bayani magpahalaga sa ating kalikasan,at higit sa lahat yung mga anekdota sa buhay niya.
Dumating ang hapon kung saan nangyari ang pag-aanunsyo ng mga nanalo sa mga paligsahan na ginawa ng bawat klase na hinahawakan ng aming guro. Sa tingin ko nagging maayos at nagging matagumpay naman yung mga palatuntunan hanging sa “Awarding Day”.


Reaksyon:

Sadyang magandang pag-aralan ang kamusmusan n gating pambasang bayani sapagkat tayo ay mas lalao pang nagiging pursigido sa pag-aaral ng mabuti at mas nais nating tularan si Rizal.Sa ginanap naming pag-anunsyo ng mga nanalo sa mga paligsahan kahit mahirap, magastos at napakapagod sulit naman dahil nabigyan naming ng kasiyhan ang mga manlalaro. Higit sa lath natuto rin kami kahit papaano sa aming ginawa naniniwala ako na kung tagumpay lamang ng isang activity magiging matagumpay lang iot kung ang bawat isa ay nagtutulungan.

Ngayong araw ang pinaka-abalang araw sa akin sa pagkat ito ang araw ng paligsahan naming walang iba ang“Poster Making Contest” na may temang “Batang Palabasa, Sa Bayan Sila’y Pag-Asa.” Napansin ko naman na kahit kulang kami ng pondo at nagkaroon ng maraming problema najita ko sa mga mukha ng aking mga kamag-aral na nasisiyahan din sila spagkat iot ang unang beses naming humawak ng ganitong event na napagkataon na ating ipinagdiriwang ang “National Book Week”. Kahit ganoon nagging maayos naman an gaming ginawa. Sa ngayon aming hihintayin ang magiging resulta n gaming paligsahan.

Bagong linggo na naman at isang mahirap na linggo sa bawat isa sa amin sapagkat ilang araw na lang ay ang aming pinakahihintay na paligsahan na kung saan kami ang nag-ayos ng lahat hiling naming na maging matagumpay ito. Walang pasok sa aming asignaturang Rizal pero kinausap ako n gaming guro tungkol sa aming mga gagawin sa susunod na araw o sa pagsapit ng paligsahan.